Pages

Friday, July 18, 2008

Videoke @ Music Match. NOW!

We went to Music Match to be with a friend, Kri, who's leaving for Thailand in a couple of weeks.

Pagod na pagod na din ako from past night outs pero gusto din namin pumunta sa videoke session na ito, lalo pa't bonggang kumanta si Kri.

Pagdating ko, wala akong energy. At wala din battery and cellphone at laptop ko. So nakisaksak ako sa room namen. Pagbukas ko kay Potpot, voila! May free wifi! Ang saya saya!!!

First time ko nag beer habang nag wa-wifi at may mga nagvivideoke sa tabi ko. First time ko din maging anti-social. Pero hindi ko talaga keri kumanta. Or hindi ako kumakanta. Or kung kumanta ako, wish nyo na hindi nalang sana. Seryoso.

Eto, ang saya lang. Si Kri at Amrei lang ang bumubirit. Si Peach, ako at si Miech ay nakatanga lang. Ay ako pala ay nagwa-wifi. Sana sumunod si Chix Che Ani. :)

Tuesday, July 8, 2008

Dear Portia

Mahal kong Portia (de Rossi),

Nalaman na ng aking mga kaibigang kauri natin na ako ay may blog dito sa mundo. Isa lang ang naisip ko: kahihiyan.

Nakahihiya na mabasa nila ang mga kuwento kong walang kwenta. Mga salitang walang laman, at mga katotohanang walang katuturan.

Kailangan ko nang ayusin ang aking mga malgrammar. Iedit ang mga pa-deep na mga sinulat.

At nawa'y matuto na ako ng salita ng dayuhan. Sumasang ayon ka ba sa akin? Tutulungan mo ba ako?

Sa bilang na tatlo, isa, dalawa, ok go! :)

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur