Pages

Saturday, March 26, 2005

Lush Greens, Fresh Air, Clear Skies

Sa lima't kalahati kong pananatili sa ating beloved UP, hindi ni minsan akong natakot na dalikado dito. Bago ako pumasok nung 1999, napatay ng ligaw na bala ang kaibigan ng Ate kong si Niño Calinao noong February 19, 1998. At kung tama ang tanda namin, December 8, 1995, Smoker's Night sa Engeneering, napatay naman sa isang assault si Dennis Venturina, na boyfriend ni Marilyn, kaibigan ng ate ko mula high school.

Sa kabila nito, at iba pang balita ng kaguluhan, payapa pa ring naglalakad sa loob ng Campus si Ate nung panahon niya. Gayundin ako. Minsan lang ako hindi pinayagang pumunta sa UP Fair dahil sa isang ongoing na frat ramble bandang 2002. Marami pang insidente ng krimen ang sumunod matapos nito. May natagpuang patay na tao sa malaking basurahan sa may AS Parking lot bandang 2003. Nung isang taon, may nagkagulo ring mga fraternities na ang dahilan daw ay ang katatapos lamang na USC elections. Aksidente ang kay Niño, kapabayaan at karahasan naman ang sa mga frat rambles. Napakarami pang ganitong eksena sa buong pamamalagi ko sa UP, nakalimutan ko na nga ang iba. Pero kampante pa rin ako.

Noong 2002, isang ormate ko sa UP Arki Forum ang nahablutan ng cellphone at nasugatan ng patalim sa may freshman walk (kalyeng nagdudugtong sa Faculty Center at Melchor Hall). Talaga namang madilim sa lugar na ito kapag gabi. Isang orgmate ko naman sa UP Rep ang nahablutan din ng cellphone habang nakasakay sa kakaandar pa lamang na jeep sa loob din ng Campus. Isa ding Repist ang nanakawan ng bag sa loob mismo ng AS noong 2001. Nalagay pa nga sa isang tabloid ang insidente at wala kaming magawa kundi matawa dahil nabanggit ang pangalan ng Repist na ito sa tabloid. Mali pa nga ang spelling eh!

Kamakailan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Campus. Isinarado ang mga lagusan kapag gabi. Para daw ma-monitor ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan. Pero aminin na natin na ang mga usual suspects ng pagnanakaw at panghahablot ng cellphone ay naglalakad lamang o nakamotor. Nagkaroon din ng iskema ng pagsasarado ng ilang pinto ng bawat gusali. Nagkaroon ng panahon na ang bukas na pinto lamang ng AS ay yung mula sa FC walk at AS walk. Dahil naman ito sa bomb scares, kasama na rin ang mga nakawan, idagdag na rin natin ang biglaang kakulangan sa mga gwardiya ng Campus.

Minsan, naglalakad ako sa may Freshman Walk nang may makitang nakaparadang kotse sa kahabaan ng kalsada. Naisip ko yung blockmate kong nadisgrasya dito. pero patuloy pa rin akong naglakad. Halos wala akong kasabay na mga tao nun, at mag-a-alas-dies na nun. Tuwing magkakaroon ako ng doubt sa seguridad ng UP, naiisip kong minamalas lang siguro ang mga naaaksidente dito. Ayokong maniwala na hindi na safe ang Campus para sa ating mga estudyante.

Nung biyernes lamang, March 18, habang nasa kasal ako ng isang kaibigan, tinext ako ni Thei, tinanong niya kung kilala ko daw si Kuya Merwin dahil namatay siya kagabi (Huwebes ng gabi). Nakilala ko si Merwin sa UP Laya Football Club, ang org na katapat namin (UP Rep) ang tambayan sa likod ng Vinzons Hall. Nagulat ako. Inisip kong wala namang sakit itong taong tinutukoy niya. Hindi ko kaagad naisip na naaksidente siya, hindi ko na talaganapagtuunan ng pansin yung tinext ni Thei kasi, coordinator ako sa kasal at ayokong malito dahil Military Wedding ang nagaganap. Baka biglang magkaroon ng mutiny sa reception pag nagkamali kami. Joke lang po. But kidding aside, hindi ko na muna talaga inisip yung text.

Habang pauwi kami ng mga Repists, pinag-uusapan nila na may napatay sa UP nung Huwebes ng gabi, nasa steps daw ito ng Beta Way na malapit sa AS Parking Lot kasama ang girlfriend niya. Nasaksak (o sinaksak) ng holdaper. Namatay ito habang nakatakas naman ang girlfriend niya. Nadinig lang daw nila sa balita. Wala akong ideya kung tiga-UP ang namatay. Pero nagulat ako at natakot sa nadinig ko.

Kinabukasan, Sabado, pag gising ko, una kong natanggap ang mensahe ni Jill. May nasaksak at namatay daw sa Laya. Dun ko lang nakonekta ang lahat. Na si Merwin, na sinabi ni Thei na namatay, ay ang taong sinasabi ng mga Repists na nasaksak sa may Beta Way. Noon ko naramdaman ang inis at pag-aalala. UP Student pa pala itong naaksidente. Sa unang pagkakataon, kung kailan grumaduate na ako, naramdaman kong hindi na nga safe sa Campus. Maaari rin namang mali lang sila nang napwestuhan at minalas, naaksidente. Hindi likas na delikado sa UP, sa loob-loob ko.

Sa kabila ng katotohanang bago kami na-relocate sa kasalukuyang tambayan ng UP Rep sa likod ng Vinzons Hall, makailang ulit kaming nanakawan ng lockers sa lumang tambayan na nasa Vinzons Hill. May isa kaming na upuan noon dun na hindi nawawala kahit maganda ito at yari sa bakal at fiber glass, hanggang sa tuluyan nga itong nawala. Sa bigat nito, tumiba siguro ang mga bakal boys. Naalala ko ring minsan nang nalooban ang bagong Rep tambayan. Pero kahit marami kaming crates at plastic containers ng costumes na naipundar ng UP Rep, ang nawala lamang ay isang pares ng rubber shoes na pambabae at ang lamang coins ng isang plastic jar na collection para sa isang event sa Engineering. Buti na lang at P13.75 pa lang ang laman nun! Hindi pinansin ng magnanakaw ang mga damit at gowns na nakahanger sa loob ng tambayan. Hindi pinansin ang termos, ang sirang TV at isang rotary phone.

Kinabukasan, Linggo ng gabi. Kausap ko ang isa namang orgmate sa UP Optics, na ang tambayan naman ay nasa likod ng Laya. Pinag-uusapan namin na ayusin na ang tambayan at dagdagan ng upuan, o kaya ng lockers o bulletin boards man lang. Sabi ko pa, nakakadena naman sa gate ng OSA yung mga upuan, hindi naman siguro mananakawan. Malaki pa rin nga ang paniniwala ko na hindi delikado sa UP. Habang pinag-uusapan naming ito, may natanggap naman akong mensahe mula kay Jake, tiga-Kulé. Nalooban daw ang tambayan ng UP Rep. Sa ikalawang pagkakataon na ito ay may kinuhang mga bag at gamit. 'Nyeta talaga! Nahuli daw ng mga gwardya sa Vinzons. Pero kailangan ng magko-complain kundi ay papakawalan nila. Si Jake, hindi naman pwedeng siya ang magcomplain, nandun lang siya bilang press. Buti na lang at nagkataong kakilala ko si Jake, at kilala siya ng UP Rep. Kung nagkataon ba ay napakawalan na itong mga nanloob sa tambayan namin dahil walang magko-complain kahit nahuli ito sa pagnanakaw? May SOP nga lang naman na sinusunod ang UPDP. At saludo ako sa mga manong guards na nakahuli ng mga kawatan. Yes, kawatan!

Nun ko naisip, how ironic. Pilit kong tinatanggal sa isip kong unsafe ang Campus. And just when I was beginning to convince myself, kami mismo ang nagawan ng krimen. Sana isa lang to sa mga "peak seasons" ng UP. Pansinin natin, minsang may krimen o aksidente o insidente sa Campus, hindi ito isolated case. May mga sususnod pa dito na relatively ay masasabi mong "kelan lang…". Pero pag "off-peak" naman, napakapayapa ng UP. Banggitin pa natin ang carless oval tuwing Linggo na puno ng mga pamilyang nagpi-picnic sa mga damuhan, mga lovers na holding hands while walking at mga barkadang nagja-jogging. Ang gandang view, diba?

Sana "peak season" lang talaga. Nagkataon lang ang magkasunod na krimen. Na minsan nasa atin din ang pag-iingat, at hindi talaga delikado sa UP. Sana talo pa rin ng kagandahan nito ang kapangitan. Not mentioning the academic and administrative concerns, because that's another story. All in all, dapat nakakaengganyo pa ring mag-aral sa UP. Makakapag-jogging pa rin with the scenic view of the setting sun behind the Main Libe. Na hindi tayo matatakot lumabas ng classroom o class-uwi na iskema. Dapat makakapaglakad pa rin tayo ng kampante sa loob ng Campus. Dapat ma-enjoy pa rin natin ang Sunken garden, ang AS walk, ang Lagoon. Lush greens, fresh air, clear skies…


21 Mar 2005 | 09:20 PM

No comments:

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur