Pages

Thursday, November 29, 2007

29 Nobyembre 2007

May meeting kame kanina sa Shangri-La Mall ng 1PM. Umalis kame sa QC ng 12:30, pagsakay namin ng taxi, ayaw kameng ihatid ng driver, sabi nya, meron na daw coup.

"Ha? Meron pong ano?!"

"Merong kudeta!"

Pinakinggan namen ang radyo nya. Nagkakagulo nga daw, si Sen. Trillanes, kasama si Gen. Lim. Hindi ko gaanong maintindihan. So tinext ko ang daddy ko. Sabi, nagwalk out daw sa trial sa Regional Trial Court si Sen. Trillanes at nagpa presscon sa Makati.

Pagdating namin sa meeting sa Shangri-La, pinauwi na daw ang mga offices sa Makati area. Ayon sa mga dumaan sa may Manila Peninsula, wala naman daw aksyon, pero madaming tao.

Bandang 5 ng hapon, nagbukas kame ng TV. Nakita namin kung gaano kadami ang media. Kung gaano kadami ang tao.

Nagulat ako, may tangke sa loob ng lobby ng Manila Peninsula. Sinong gumawa nun?! Bakit?! Ang apektado dun ay yung may ari ng Manila Pen, at yung mga guests. Nakakasindak naman yun.

Tapos sinakay nila sa bus na may rehas si Sen. Trillanes. Sabi, sinisiguro daw na hindi siya tatakas. I don't think gusto nya tumakas. Una, san siya pupunta. Pangalawa, senator sya, san nya gusto pumunta. At kung san man siya pupunta, madali siyang mahahanap. Pangatlo, wala naman siyang reklamo sa pagiging kulong niya.

Tapos pati ang media, hinuli? Bakit?!

Ang labo talaga. At ang gulo. Ang lungkot.

No comments:

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur