Pages

Wednesday, August 27, 2008

Kung. If.

Kung sa tuwing naiisip ko magsulat ng entry sa blog ko, ay nagagawa ko ito, meron na sana akong 4,002 entries ngayon. Yun ay 3 beses sa isang araw. O 1,334 entries kung isang entry bawat araw, kung nagsimula akong magsulat ng January 1 ng 2005 hanggang kahapon/kanina, August 26.

Yun ay kung. "If" baga. Pero hindi. Dahil...dahil madaming dahilan.

Parang ngayon, iniisip ko pa lang yung mga dahilan kung bakit hindi ko nagagawang magsulat ng entry tuwing naiisip ko/may naiisip ako, napapagod na ako. Ang dami ko na kasing naisip. At ang isip ay di hamak na mas turbo kesa sa mga daliri/kamay.

Kaya din nga pala ako mabilis magsalita. "Because life is short, so talk fast" ika nga.

Kung sa tuwing naiisip kong magsulat ng entry sa blog ko, ay nagagawa ko ito, meron na sana akong malalaking kalyo sa pitong daliri. Dahil malimit namang magamit ang lahat ng sampung daliri sa pagta-type, diba? At kung sa tuwing....

Ayoko na. Kung lang pala. Gusto ko totoo.

No comments:

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur