Pages

Monday, December 25, 2006

That's My Girl!

>Direk Ed Lejano of CinemaOne Originals 2006's Seroks has just sent Ponkee a message. He said that his editor for the film is nominated best editor. Aint that great? and the best part is, Ponkee is the editor! That's my girl!

SEROKS digital movie at Robinsons Galleria Nov 24.

Cinema One Originals and Ledge Productions in cooperation with NCCA and VitalStrats Creative Solutions present "SEROKS". "SEROKS", a psychological drama starring Juliana Palermo unreels at the 2nd Annual Cinema One Originals Digital Movie Festival on November 24-26 at the Indie Sine (Cinema 8 ) of Robinsons Galleria. One of the winning seven digital movie proposals, "SEROKS" will be shown Friday 5pm, Saturday 1pm
and Sunday 945pm. Tickets at P100.

The digital movie written and directed by Ed Lejano, makes use of the film noir style and fuses elements of the thriller, in conveying a recurring pattern of duplication that reflect the film's title.

Set in the vibrant world of Recto, Palermo plays the mysterious woman who moves into a boarding house above a xerox shop. Her femme fatale character soon encounters the xerox operator played by Neil Ryan Sese (who portrayed one of the brothers in Pagdadalaga ni Maximo Olivares).

Their fateful meeting triggers a series of duplicating events. This ushers the film's unpredictable plot developments as it branches out to involve the other offbeat characters that inhabit the world of "SEROKS".

The richly-textured film noir drama also stars Lauren Novero, Soliman Cruz, Mystika, Ramon Bautista, Alchris Galura and Maria Isabel Lopez. Cinematography is by the award-winning Neil Daza, the screenplay co-written by Lye Candelaria and
line-produced by Amor Olaguer.

Catch the intriguing Pinoy digital movie that tackles the notion of life as a photocopy next weekend, November 24-26.

"SEROKS", Rated R-13, 1hr 45mins.
Directed by Ed Lejano
Assistant Director - Lorna Sanchez
Cinematographer - Neil Daza
Screenplay Co-writer - Lye Candelaria
Production Design - Bianca Dadives
Art Director & Costume Master - Ching Danseco
Editor and Sound Designer - Amrei Dizon
Musical Scorer - Nani Naguit
Line Producer - Amor Olaguer
Post Production House - VitalStrats Creative Solutions

For more details and group sales discount of festival tickets, call Creative Programs, Inc. CPI) at the 10th floor ELJ Bldg., ABS-CBN office at 4152272 locals 3162, 3205, 3166. Look for Marga, Jingky and Lani.

Saturday, November 25, 2006

Sagot sa 'Tsk, tsk, tsk (at iba pang tsk, tsk, tsk)'

Binasa ko yung entry kong 'Tsk, tsk, tsk (at iba pang tsk, tsk, tsk)'. Ngayon lang. At parang hindi ako makapaniwala kung gaano ako -ka-active sa mga gigs nuong mismong panahong sinulat ko yun. Isang panahon na ang DAPAT na una sa aking priorities ay ang pag-aaral. But no. I was all over town for friend's gigs and drinking sprees.

Ramdam na ramdam ko naman na simula ng nagtrabaho ako eh nawala na naman ako sa "eksena". Hindi ko na nga kilala yung mga banda ngayon. Huli kong nagpunta sa 2 gigs na magkasunod para mag-host, nalula ako sa damio ng mukhang hindi ko kilala. Sa lugar pa naman na pamilyar ko.

Hindi sapat tong sinusulat ko parang i-express kung gano na ako nawala sa eksena. O kung gano katagal nang wala akong naiinom na musika. Matagal. Madami nang nagsabi sa akin na "akala ko namatay ka na". May nagsabi na din sa akin dati ng 'wala, laos ka na' dahil tinutukoy niyang iba ang crowd ng mga banda sa isang gig na pinuntahan namin. At maari na din sigurong masabi na 'lola' na ako. Dahil dati, walang effort para malaman kung sino ang sino. Kaninong banda si ganitong drummer. Ngayon hindi naman ako nag-eefort. Ayun nga lang, gudlak sa akin. Mahirap maghost ng gigs na hindi mo kilala ang mga bandista. Unprofessional yun! Unless sikat kang DJ from some 'cool' station. Okay lang magkamali ng tawag sa bandang nag-lo-launch ng album at ikaw ang host. Duh.

To make the long story short, wala kaseng panahon. Hindi ko alam kung bakit. Eh 9-6 lang naman ang pasok ko sa opisina. Pero parang ngayon, nasa opisina pa ako. Mamayang 9 AM, 24 hours na akong nandito. Tsk, tsk, tsk.

Friday, October 27, 2006

Paalam, Ka Fort, Salamat!

KATARUNGAN PARA KAY DIOSDADO "KA FORT" FORTUNA!

Dalawang tama ng kalibre .45 sa likod habang pauwi sa bahay nila mula sa piketlayn ng Nestle noong gabi ng Setyembre 22. Si Ka Fort o mas kilalang Ding Fortuna, ay ang humaliling Lider ng Unyon ng mga Manggagawa kay G. Meliton Roxas (na pinaslang noong Enero 21, 1988) sa pabrika ng Nestle sa Cabuyao Laguna. Siya'y naging huwarang lider ng mangagawa sa iba't ibang kasapian sa Timog Katagalugan. Isa sa mga taong nakausap ko na kilala siya ng personal ang nagsabing ang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa na ang naging buhay ni Ka Fort.

Agosto 2002 nang huminto akong tumangkilik sa kahit na anong produkto ng Nestle. Laking lungkot ko nang mapasailalim sa multi-nasyonal na korporasyong ito ang Goya at Bear Brand. Buti na lang may Lala at Alaska pa para bigyan ako ng aking "daily dose of cheap chocolates" at calcium. Isa't kalahating taon mula nang huli akong nakatikim ng Milo, may nakapagsabi sa aking tapos na ang boykot. Sa kabila ng kakulangan ko sa impormasyon kung natapos na nga ba ang boykot ay pinagpatuloy ko ang hindi pagtangkilik sa mga produktong Nestle, dahil sa kadahilanang minsan nang inabuso ng Nestle ang kanilang mga manggagawa. At hindi ako nagkamali sa aking desisyon. Hindi kailan man natapos ang boykot, lalo pa ang piket sa pabrika. At tiyak na ang trahedyang ito ay magbubunsol pa ng mas malawakang boykot at pag-aaklas.

Mag-a-alas diyes na kagabi nang natanggap ko ang mensaheng nasa isang Chapel sa UP ang katawan ni Ka Fort. Hindi ako nagdalawang-isip. Sinuot ko lang ang aking jacket at naglakad sa kahabaan ng Dahlia hanggang may makitang traysikel. Pagdating sa burol, na itinuturing din na pagpaparangal para sa isang dakilang lider-manggagawa, hindi ko naiwasang malungkot. Napakadaming tao. Mga mula sa iba't ibang kasapiang Nasyonal at mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan, lalo na mula sa PUP.

Apat sa mga nakasama ni Ka Fort ang nasaksihan kong nagbigay ng mga salita para sa kanya. Hindi nagkakaiba ang kanilang mga sinabi. Si Ka Fort ay huwaran, mapagkumbaba, maaasahan, isang tunay na Lider-manggagawa. Isang tunay na Lider.

Bago umuwi ay dumaan ako sa Mercury Drug sa Tandang Sora. Nakita ko ang isang kaibigan at sinabi sa kanya kung saan ako nanggaling. Pinakiusapan ko rin siyang hangga't kaya niya'y huwag siyang tumangkilik ng Nestle products. Nakakalungkot isipin pero sa maliliit na bagay na ganito lamang ako makapag-aambag sa hustisyang marahil hindi agarang makakamit ni Ka Fort. Mas nakakalungkot kung ang hustisyang ito, na sa Pilipinas ay parang gasgas na plaka, ay hindi na makakamit kailan man.

Katulad ng ibang mga lider-manggagawa at lider ng masa, itinaguyod ni Ka Fort ang karapatan ng kaniyang mga kasama. 28 taon siyang nanilbihan sa Nestle. Duon na siya inuban at humina. Pero nanatiling matatag sa kanyang mga prinsipyo. Duon na rumupok ang kanyang mga buto, pero nanatiling malakas sa pakikibaka.

Sa pagkakataong ito, ngayon lalo na kahit kailan, mas pagtitibayan ko ang pagboboykot sa Nestle. Ito ay isa na namang patunay na "there's blood in your coffee."

Paalam, Ka Fort. At maraming maraming salamat!


27 Sept 2006
1:45 AM

27th Masskara Festival


It looks really good in the photos but it's nothing compared to seeing it in person. Even the commercial postcards or the WOW Philippines! website don't measure up to the astounding view it really makes.

The first 10 minutes of the 27th Masskara Street Dance Competition left me in awe. No exaggeration but it was really eye-popping, jaw-dropping, heart-stopping, earth-breaking....you get the point...

You can tell by the paricipation of all 25 barangays of Bacolod City, the deployment of the AFP and CAT/ROTC troops, the attendance of the townsfolks, and the number of foreigners that stayed long under the harsh sun how big this event really was. You can also tell by the length of the lens of the photographers that were there!

Everything is wonderful, shiny, vibrant, glittering. It's very colorful, very alive, picture-perfect. It's something that you see that you feel. You should really be there. No wonder the event is occasionally featured in Living Asia and the National Geographic!

The Masskara Festival lives up very true to its name. The grandest of masks, handmade of sequins, feathers, paper, plastic, cloth, buttons, beads, all materials imaginable, and the very merry and festive celebration of a valued tradition. Indeed, Bacolod is the City of Smiles.

See some of the photos i took from the 27th Masskara Street Dance Competition.

Thursday, October 19, 2006

Stranded in Bacolod

No Manila-bound flight until the 24th. First available flight is on the 25th at 6:40 AM. We're supposed to go home on Sunday, so we'll overstay here in Bacolod for 2 more days.

Tuesday, October 25, 2005

Sana Umulan

Kahapon lang, nagsulat ako sa likod ng readings ko ng mga katagang "SANA UMULAN." Mahal ko ang ulan. It makes me happy. I feel like every drop cleanses me. Pag malungkot ako, uulan lang, masaya na ako. Dahil ganito lang sumaya ang mababaw na tao.

Medyo exhausted ako nung mga nakakaraang araw. Minsan malungkot. Minsan masaya. Minsan pagod. Minsan confused. Minsan nagbabaliw-baliwan na lang, in anticipation of my board exams.

Kanina kausap ko si Alvin, sabi ko sa kanya, sana umulan.

Hindi nga kase ako makatulog kahapon, so I wished that it rained. Ngayon, inaantok na ako pero ayaw pa ng isip kong matulog. Eh malakas ang boses ni Nick Hexum, hindi ko masyadong nadidinig yung paligid. Parang me nadidinig ako sa labas. Nagpunta ako sa pinakamalapit na bintana. Voila! It's raining! I could not be any happier!

So paalam na muna dahil sabi nga ni Ruffa Mae Quinto "This is it!" Kailangang makahiga na ako kay kama at mayakap si Unan bago maubos ang ulan. Ansarap nito! Pramis! Tagal kong hinintay to!

Log out.

Tuesday, October 18, 2005

Kung Anik-anik

Habang kumakain (ng paborito kong "Tomtillos" - tortillos w/ "diced" tomato) at naghihintay (sa maraming tao at bagay), naisipan kong maningin-ningin ng mga links ng blog na to. Nabasa ko ulit yung mga malullungkot at pa-deep na tula ko mula sa heartaches, which actually made me productive most of the time.

Mighty Butterfly

Nabasa ko ulit yung "Mighty Butterfly" na inareglo na ni Papa John, yung gitarista ng Sweet Valium High, para gamitin sa gigs. Nung ginawa ko yung "Mighty Butterfly", nisip ko yung person na nagrepresent sa paru-paro (o, umamin ka, ngayon mo na lang ulit nabasa/nasabi sa utak yang word na yan, so say it again -- "PARU-PARO! Nice no? :) ). Nisip kong yung paru-paro ang topic ng kanta, dahil para sa kanya yung kanta, kaya ipinangalan ko sa kanya.

Tas si Papa John, "Flower" ang tawag niya dun sa kanta, which made me think just now na minsan talaga iba ang viewpoint ng babae sa lalaki, no? Siguro mas na-picture nya yung batang babae sa song na kinumpara ko sa isang bulaklak na nalanta nang lumayo at umalis yung paru-paro (PARU-PARO!). Sa viewpoint nya siguro, yung batang babae ang topic nung kanta. At dahil na rin sa babae ang bokalista namin, malamang nisip nya, pambabae yung ginawa kong kanta. Hindi ko na sya natanong tungkol dito kasi hindi ko naman dati napagtuunan ng pansin, ngayon lang. At yun nga ang naisip kong dahilan kung bakit iba ang tawag nya sa kanta. Yun lang naman. PARU-PARO!

Techno Shit 1: Cellular Phones

Sa sobrang uso ng cellphone, ang dami-daming pagpipilian -- a variety of colors, shapes, models, and sizes - which, at a time became small in standards - di'ba may time na para sabihing luma ang cellphone mo, sinasabi mo "malaki" siya? Pero wag mangamba! Ilabas na ulit ang Nokia 2110! 1600! At iba pang mga "pangkayod ng yelo", "remote control", o mas malala pa, ang "Frigidaire" - na kung tutuusin ay brand name ng ref. So kahit ang Ref mo ay Nokia o ang cellphone mo ay "Frigidaire", keber! Malalaki na ulit ang mga models ng phones, dahil sa "camfon" (na nung una kong nabasa ay nagtaka ako. "Nawala ang camfon". Huh?! Nisip ko kung sinong tagasunod sa dark side ang nawala. Camfon?!

Anyway, akala ng marami, the latest cellular phone models are being designed to suit our lifestyles. I beg to disagree. I believe it's actually the other way around. Our lifestyles are now being "designed" to suit our cellular phone models.


Kailan pa ba tayo naging sobrang hilig o sipag sa pag-a-"alarm"? Kinalimutan na natin ang mga mala-tren-na-dumadating na alarm clocks. Pinalitan na natin ng ating Ericsson alarm to the tune of "Wag na Wag mong Sasabihin". O kung ano mang fad na gusto nating marinig first thing when we awoke. Yung alarm nung Ericsson ko dati ay mala-Ragga na tune. Na minsan dahil sa sarap ng tugtog ay lalo akong nakakatulog. Bumili nga ako ng battery ng alarm clock kong parang-laging-may-sunog-ang-tunog. Kaya nga "alarm" clock eh. It's supposed to alarm us!

Kailan pa ba tayo naging mahilig o masipag mag-sort out ng "details" ng "contacts" natin? "Change Type" to fax #, office #, home #, mobile #, o general #. Hindi pa dyan natatapos yan, meron pang "add detail" na kung e-mail or home address, notes, birthday, reminder, shoe size, bra size, cup A, B, or C! Ang tanong, Set as Default?! Pero dahil minsan nang na-reset ang Nokia 7110 ko noon kung saan nawala ang mahigit 700 kong "contacts" na kumpleto sa "details", nagpasalamat pa rin ako at hindi ko nakakalimutang bumili ng filler ng old school kong organizer.

Kailan pa ba tayo naging "chummy" sa lahat ng tao sa paligid natin? Dati nga, picture mo lang at malamang ng karelasyon mo ang nasa wallet mo. Picture nga ng nanay mo, wala eh. But no, ngayon, pati chao-chao ng Professor nyo sa Speech, may picture ka. Pati picture ng daliri mong maganda ang nail polish, o ng Astroboy na t-shirt ng kaklase mo. Sa birthday parties, hindi na kailangan ng film (Kodak, Fuji) dahil may memory card naman ang phone mo. Pag napuno, bubura lang ng picture ng favorite mong kendi. Lahat ng bisita, may picture ka, pati hindi mo kakilala, basta mukhang maganda siya sa picture. Malala pa nyan, wala pa ring picture ng nanay mo.

Dati, ang "Payong Kaibigan" ni Jolina Magdangal sa "Ang TV", kailangan ipapadala by snail mail. Tapos sasagutin nya sa show. Ngayon, ang payo, pinapadaan na lang sa "text". At para pansinin ka ni Jolina, hindi mo na kailangan sumulat (not to mention matagal nang naka-off "Ang TV"), isang text lang at aaraw-arawin na ni Jolina ang pangangamusta sa'yo through Star Text. At kung dati, lahat ng humihingi kay Jolina ng picture ay sinasabihan niya ng "punta ka ng lang dito sa Studio at mag-kodak-an tayo", malamang hindi na yun ang sasabihin niya kundi "pnta k nlng d2, dlin m yng "cmfn" n pnntxt m."

At iyak na lang tayo kapag na-reset, nag-"crash", nadukot o na-snatch ang "camfon". Pno n pc2r nmn n Jolens?!

Kailan pa naging action word ang salitang "text"? Text. May gerund pa nga siya eh -- "texting". Eh yun ngang lumang word na "text" as in "textbook/copy" ay wala sa "New Enlarged Webster's English Science Dictionary Authoritative and Simplified. Hehe. Kunsabagay, dynamic naman daw ang mga meaning ng salita. And retroactive, I must add. Minsan nakakapan-tumbling kapag may natatanggap akong note -- sa papel, sinulat ng kamay gamit ang bolpen o lapis -- na naka-"text lingo". "Mit en elenji tayo emya-emya. Eykyu en elenji emjititixt sa you." Tumbling diba?

Kasalanan na lang natin kung mahina ang comprehension natin. Mababa ang EQ o may gap ang left and right hemispheres ng utak natin. Yung gap na yun ang pagkakalsuhan ng Textpower na book para maenhance ang ating "text knowledge"

K? 2loy q n lng 2 nxt tym. Mwah!

Saturday, October 15, 2005

I Am Sad

I was about to say to the person that's been the subject of my writing a few months back that I went gaga over him. Just so I could get it over with and move on. Though I planned to tell him on November, I thought why not tell him now, though not personally, while I still feel like telling so? But before I was even able to finish typing my message, he said goodbye. And it made me sad.

I am also sad about a lot of other things, which I try not to mind, because as the person that I am, sadness is just "not my thing". But right now, I am probably one of the saddest people on earth. Save for the people of Africa and Iraq. Save for the victims of Katrina. For the people of Gaza. For the students who have been water-cannoned in Mendiola a few days back, just because they were fighting for their rights to a better country. For the people in the picket lines, in the mist. For the people who are still begging for food in Baywalk at this time of the day. And for the quarter of the world that's suffering injustice and doing time. For the quarter who are missing a departed loved one. And for the quarter who are praying with eyes closed and pouring with tears right now, telling their heartaches to their gods.... All these thoughts made me even sadder.

Thursday, August 25, 2005

Jackets Galore

I LOVE JACKETS!

I don't know why. I just do. I also love the rainy days. But that's another story.

The oldest jacket that I have is my "Baby Sporty Jacket". I named it so because just like a baby tee, its size is just as fit and small -- maybe because I've outgrown it, when it used to fit like great grandma Altum Viditur jacket. I have been wearing it since grade 3!

Check out my jacket uhm... "collection".

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur