Pages

Friday, January 23, 2009

It's Raining!

Sarado lahat ng blinds sa office. Pero naramdaman kong umuulan. Binuksan ko ang blinds sa tabi ng work station ko.

Ulan.

Magandang ulan. Pero maaraw.

Walang ibang 'nakaramdam' na umuulan dahil sa mga nakatabing na bintana.

Tumitig ako sa puno ng buko na hinahangin. Naisip ko kung gaano kasarap tumambay sa bahay pag umuulan. O magyosi sa tambayan. Naisip ko yung maglakad ng naka-hoody lang sa ulan, habang nagyoyosi. Tas mababasa yung yosi. Maglalasang tubig. Malamig na tubig.

Wala akong malinaw na magandang alaala ng ulan. Pero ulan lang mismo, madami nang nabubuong magandang pakiramdam sakin. Positibo. Isa ang ulan sa siguradong nakakapagpaganda na ng araw ko. Pede kong sabihin na buo na naman ang ulan ko. :)

No comments:

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur