Pages

Sunday, November 30, 2008

Who was I?

I was born and raised (but only until I was seven) in the province. My first teacher was Ms. Maroma. I was in kindergarten. The first boy that had a crush on me was my classmate named Ryan. My first crush on a boy was to the school priest's grandson, Darwin. My first crush was Mary Ann.

My family moved to the city when I was 7.5 years old. I took an entrance exam in a private school in the city and passed it but chose to go to a public school instead. I could not believe that little girls aged seven and below would yell at their yayas, in the school ground.

I finished my elementary schooling at a public school. I wore white blouse and green pleated skirt. I had a choice of going to my Mom's high school but they enrolled me to a high school in Tondo -- where my Tita was schooled. They say some pretty popular celebrities went to that high school - like Dolphy. I did not believe them. Doesn't matter. High school was a blast for me.

I was in section 5 in my first year, section 2 in my second year, section 3 in my third year, section 1 in my fourth year in high school. I did not have honors but graduated in the top 2% of our batch. I had more than a thousand batchmates in senior year. I attended the Prom twice. I think.

I took the entrance exam of a state university. I was to take another exam to a university in EspaƱa but got the results from the exam at the state university ahead. I only took one college entrance exam, at my dream school and passed it, on a quota course. But that does not pass me as intelligent. I just got lucky.

I finished a non-quota course because I shifted from my prestigious quota course to a more colorful course. I shifted because, for one, I thought the new course does not require a licensure board exam to practice. I was obviously wrong. The new course was fun. But the teachers were strict and the people were a bit boring. Unlike in my original course, students would smoke in a no-smoking floor and would go directly to a watering hole nearby after classes.

I joined a theater group, and four other organizations. All related to art -- film, photography, cultural arts, and architecture. But I did not even try to join a club under the college or department that I graduated from.

I was in second year college when I started hosting the UP Fair, I've done it until this year. Then I had a band.

I drank every after class in the summer of 2003. I got drunk thrice in college -- in a frat house, in my band mate's house and in my orgmate's house. I used to party hard. I went to hundreds of concerts and I only had to pay a ticket once. I had VIP tickets and all access passes. But that does not pass me as important, I just got lucky.

I wore a beige and mocha custom-made dress-gown in my graduation march. The photographer was not able to catch me receiving my diploma on stage. Bummer.

I bummed for 1.25 years after I graduated from college. I applied for a part time call center job, passed the exam but did not take the job because my best friend did not pass. I applied in a furniture shop that has a branch in Megamall (among others) but the owner said I was over qualified. That was the first time I was discriminated because I went to a good school.

I got my first paycheck in January of 2006. After that, I always paid tickets.

I wore sunglasses in the morning, I wore them at night. Some college friends never saw my bare eyes in daylight.

I girl-watched with guy friends. Because girls are pretty. I fell in love with boys, and girls too. I fell in love with enemies, and friends too. I had boyfriends, I had girlfriends, maybe I had too much love to give.

I was born 26 years ago, today.

Wednesday, November 26, 2008

Dahil Ganito

Simple lang akong tao, nakakatulog ako sa simpleng tapik sa braso na may kasamang sintunadong hele.

Narerelaks ako sa mahabang ligo, nakakalma ako sa swabeng musika.

Maamoy ko lang ang ulan, o makita ang kulimlim, naramdaman ko na ang patak ng ulan at sayang maligo dito. Minsan pipikit lang ako, iisipin ko lang ang malamig na simoy sa mukha ko, sabay malalim na hinga, para na akong nagka-enerhiya.

Madali akong makahanap ng mga bagay na makaka'refresh' sakin -- pag-inom sa basong may yelo sa harap ng electric fan, parang Nestea ang feeling. Mag 'ahhh!' pagkatapos lumagok ng malamig na Coca-Cola. O basain ang paa sa gripo, sabay tapat sa bintilador.

Madali akong sumaya, sumayaw o sumabay, dahil mababaw lang akong tao. Mababaw ang tawa, minsan, mababaw din ang luha.

Simple lang ako magsalita. Simple lang ako magsulat. Hindi ako simple pag tinignan mo ako, pero lalong hindi ako komplikado. May hikaw ako sa tenga, may relo ako sa kamay, may salamin sa mata. Masasabi mong nasa tamang pwesto naman ang mga bagay. May bag ako, para hindi ako nakakaiwan o nakakawala ng gamit. Pag binuksan mo ang bag ko, makikita mong direkta ang mga laman nito. Walang hidden pockets, walang kikay kit, walang mga extrang lalagyan na walang laman. Walang nakakalat na kung ano ano.

Ayoko ng komplikadong araw, araw araw. Komplikado na ang buhay, kaya hindi ko na yun dinadagdagan ng mga simpleng trobol sa araw araw. Mas gusto kong ngumiti, tumawa, matawa, kaysa mainis, mang inis o sakyan ang inis ng iba. Hindi ako mahilig sa tsismis. Mukha lang oo, dahil palaging 'safe' ang mga sagot ko. Mukha ding oo, dahil inaral namin ang arte ng isang cinco tsismosa.

Minsan, nahihirapan akong magpaliwanag sa ibang tao, dahil baka hindi nila ako maintindihan, o hindi ko maipaliwanag ang sasabihin ko sa salitang maiintindihan nila. Pero tinuturing kong maswerte ang mga taong sinubukan kong paliwanagan. Dahil kung tutuusin, ayokong magpaliwanag. At ginugulan ko ng oras at kakayahan ang subukang magpaliwanag sa kanila, kahit kadalasan, sarado naman din ang utak nila. At mas gusto nilang punahin ang sinasabi ko, kaysa ang ibig sabihin nito. Kaya minsan, diretso nalang sa barangay.

Pag nagtanong ako ng bakit, yun ay dahil hindi ko talaga alam ang sagot. Hindi ko alam kung madali o mahirap. Lahat yata ng dati kong karelasyon sinabihan ko ng "huwag ka nang magpaliwanag" at hindi ako madalas magtanong ng "bakit?" kapag alam kong mahirap ang sagot. Bakit? Dahil mahirap magpaliwanag, at ayokong nahihirapan sila.

Ayoko ng matalinhagang mga salita, dahil simple lang akong tao.

Nakakatulog ako sa simpleng tapik sa braso na may kasamang sintunadong hele.

Friday, November 21, 2008

Life's a beach!

Ah, a very cliche title.

I am going to the beach tomorrow, Apo Island, baby here I come!

Exactly a month ago, I was in Boracay. Two weeks from now, I am going to Singapore and I will make sure that I visit at least one beach!

My goal is to SCUBA dive next year! Because you know, for me, life's a beach, and then you dive!

(Ha! You did not see that coming!)

Lalalalalala

Nanuod ako ng tv. Ang lungkot, depressing. Commercials lang ang masaya, nagbabadya ng pasko.

Tuesday, November 11, 2008

Mula kay Beema

Madalas akong bigyan ni Beema ng links ng artworks na nakikita nya kung saan saan. Eto kakabigay lang nya sakin, exact words "para sa iyo yan, beema"

http://lambchild.deviantart.com/art/Creative-Color-56727175

Salamat Beema! :)

Haggard: The BIR Edition part 2

"Mam, ano po ang kailangan ko para makakuha ng TIN ID?" Inabot ko sa kanya ang hawak kong papel na naglalaman ng buo kong pangalan at TIN.

Mam: Kailangan mong magbayad ng P500 at may monthly dues ka sa BIR
Ako: Nagbabayad naman po ako.
Mam: Kailangan mo muna magregister at magbayad ng P500. Professional ang nakalagay sa iyo dito. May komisyon ka ba sa mga projects mo? Anong klaseng propesyon?
Ako: Ahm, empleyado po ako.
Mam: Bakit professional ang nakalagay dito?
Ako: Ah...hindi ko po alam. (sa loob loob ko, bakit nga ba?) Pano po ba magpalipat para maging Employee?
Mam: Gusto mo maging employee nalang yung tax type mo?
Ako: Opo.
Mam: San ba ang opisina mo?
Ako: Kalayaan po.
Mam: San ka nakatira?
Ako: V Luna po.
Mam: Punta ka sa 39, sabihin mo magpapapalit ka na Local Employee.
Ako: Mam, dun po kame galing.
Mam: Sige, pumunta ka nalang kay Irene ng 2nd floor.

Nagpunta kame sa sumunod na palapag. Tahimik ang hallway. May pinto sa kanan at kaliwa ng hagdanan. Pumasok kame sa kanan. Pagbukas ng pinto, madaming desks. May mga pangalan ang bawat isa nito. Pero ang mga tao, nakakumpol sa likod. Lahat naman sila, lumingon nung may pumasok. Pero bumalik din sa kanya kanya nilang usapan. Tinawag namin ang attention nung babaeng nasa pinakamalapit na mesa.

Ako: Mam, saan po makikita si Ms. Irene ng 2nd floor?
Mam2: Sa kabilang kwarto.

Lumipat kame sa kabilang kwarto.

Kasama ko: Ser, saan po makikita si Ms. Irene?
Ser2: Irene? (tinuro yung babae na nasa likod ng pinto)
Kasama ko: Mam, si Ms. Irene po?
Mam3: Irene? Ng 2nd floor?
Kasama ko: Opo.
Mam3: Akyat pa kayo. (Ngumiti. First time may ngumiti sa kanila. At medyo maganda din siya, kamukha niya si Imee Marcos)

Umakyat kami. Pumasok kami sa unang pinto. Walang babae. Pumasok kami sa sumunod na pinto. Nagtanong ako sa lalaking nasa harapan ng pinto at tila nagsasagot lang ng crossword puzzle.

Ako: Ser, saan po makikita si Ms Irene?
Ser3: (tumingala, banlag sya, tumuro siya sa likod niya. Pero hindi ko talaga alam kung san yun dahil isang mata nya ay nakatingin sa taas, isa ay nakatingin sa kaliwa.)
Bumulong ako sa kasama ko, sabi ko "San kaya yun?" Sabi nya basta magpunta nalang daw kami sa likod.

Nagtanong ako sa kasunod na mesa, tinuro nya sakin yung babaeng nasa dulo. Ganito ang eksena:

Over the shoulder shot, nakatalikod ako sa camera.
Ako: Mam, saan po makikita si Ms. Irene?

CU of employee.
Mam4: Siya yun!
Tuturo sa babaeng nasa dulo, nakaupo sa malaking mesa, nakatingin ang babae sa bandang babang kaliwa niya.

Maglalakad ako at ang aking kasama papalapit sa mesa. Dollying in ang camera kasabay ng bahagyang pag zoom in, para ramdam mo na malapit na malapit na talaga.

Tatayo ako sa harap ng mesa niya, ni Ms. Irene. Maaaninag niya na may tao. Titingala siya, dahan dahan.

POV ko, CU sa mukha ni Ms. Irene. Parang ka-aura nya si Rosa Rosal. Mas batang version.

Zoom out ang camera, makikitang nagpapapedicure pala siya kaya siya nakatungo sa bandang kaliwa.

Cut to POV ni Ms. Irene.

Ako: Mam, kayo po si Ms. Irene?

POV ko. Tatango si Ms. Irene.

MS sa kanan ko. Makikitang may nagpepedicure sa kanya habang kausap nya ako.

Ako: Gusto ko pong malaman kung paano ko malilipat ang tax type ko mula professional to local employee?

Kukuha ng makapal na notepad si Ms. Irene. Neon Orange ito. Magsusulat siya. Iaabot sa akin ang papel. Hindi siya magsasalita.

Kukuhahanin ko ang papel. Babasahin ang nakasulat dito.

Cut to close up nga papel.
tatapusin.

Wednesday, November 5, 2008

Haggard: The BIR Edition

Ang haggard maging adult. It's complicated.

Nung estudyante pa ako, problema ko lang, kung pano tatapusin ang mga plates, paano di male-late sa klase at paano pagsasabayin ang acads at extra curricular activities.

Aba ngayon, bukod sa health issues, kailangan mo pa kumuha ng mga Valid IDs. At ito ay yung mga ini-isyu ng mga sangay ng gobyerno or mga pambansa at malawakang institusyon. Whatever.

Kanina, kukuha lang naman sana ako ng TIN ID. Matagal na akong may TIN, pero wala akong ID. Nagpunta kame sa BIR dyan sa may Quezon Ave. Papasok pa lang kame, chumika na yung gwardya. Informative naman ang chika nya. Sabi nya, i-verify muna namen kung san kame dapat magpa ID. Pumunta daw kame sa "39 at 40". Kung ano man or saan man yung "39 at 40".

Marunong naman kameng magtanong. Kaya nalaman naman namin kung saan yung "39 at 40". Pumasok kame sa "39 at 40". Tinignan kong mabuti yung mga empleyado. Parang busy silang lahat. May namumuong pila sa loob pero hindi naman lahat ng desk ng mga empleyado ay puno. Nagtanong kame ulit kung san ang pila at sino ang nasa dulo. Nalaman naman namin, kaya nakipila na kame at naghintay. Mga 5 minuto na, hindi pa umaandar yung pila. Nagtanong na yung kasama ko "ah miss, umaandar ba yung pila? ... sino bang mag-aassist sa atin? ... ah sige, magtatanong na lang ako." Lumapit na ang kasama ko sa mesa ng isang empleyado. Matagal na kaseng wala naman syang ine-entertain. At parang wala ding pagtatawag ng number. Nalaman nya, na pede naman pala syang asikasuhin ng empleyadong iyon. Kung di pa sya nagtanong edi pede kameng abutin dun ng siyam siyam?

Pinasulat ng ale (empleyado) ang pangalan at TIN namin sa papel. Kinuha nya ito sa amin matapos ang tatlong minuto. Ewan bakit di pa nya kinuha agad. Baka SOP na paghintayin ang mga tao. May tinignan sya sa kanyang computer records. Tas sinulat nya sa papel: "RDO 40" at "RDO 38". Hindi nya sinabi kung para saan. Tinanong lang namin kung ano yun. Ang sagot nya ay "dun sa kabilang kwarto".

Nagpunta kame sa kabilang kwarto. Ganun na naman, may konting pila, madaming empleyado. Pero walang magsasabi sa iyo kung sino ang pede mong kausapin. Walang mga plaka na magtuturo sa iyo kung saang eksena ka dapat pumasok. Wala ding titingin sa iyo pagpasok mo ng pinto. Lahat sila pawang may sinusulat/an o me ibang kausap. Nagtanong kame. Sabi basta "diyan" daw ang pila. Diyan.

Matapos ang pagtatanong, nalaman namin kung sino ang pede naming kausapin.

Ako: Ser, kukuha sana kame ng TIN ID.
Ser: (tumingin samin, tas me ibang ginawa, tapos bumalik) Letter of request lang galing sa employer (umalis na, may ibang kinausap)
Ako: Ahm... Ano po ang dapat laman nun?
Ser: (busy, busy, finally) Na kailangan nyo ng ID.
Ako: Saan po namin ipapasa yun?
Ser: San ba kayo nagtatrabaho?
Ako: Kalayaan po.
Ser: Eto i-fill up nyo para ilipat kayo dito.
Ako: (nagulat, parang iba na yung goal) Ilipat po ng ano?
Ser: Kase sa 39 kayo ngayon e. Fill up nyo yan para ilipat kayo dito.
Ako: Bakit po kame magpapalipat?

Mahabang diskusyon ang naganap. Meron ba akong hindi nage-gets na common naman sa lahat ng gusto kumuha ng TIN ID? Ako lang ba ang may hindi alam sa "39" at paglilipat? Ginawa ko ang best ko na malaman kung bakit kami kailangang ilipat samantala gusto lang naman namin na magkaron ng TIN ID. Yun ang goal. Paulit ulit lang ang sagot ni Ser, hindi nya iniisplika kung Bakit kami kailangang ilipat at kung ano ang kinalaman nito sa TIN ID. Ipinipilit lang nya na kailangan kame magpalipat. Siguro nakulitan sya sakin, tinuro nya ako sa ibang empleyado. Sabi nya, yun din daw ang sasabihin, ang magpalipat kame sa "39". itutuloy

Tuesday, November 4, 2008

musicrossroads: theskysthelangit: p.s. nag-pphysical therapy na nga pala si tara, example.. tinatry siyang paupuin.. or ipa-tayo pero may mga ginagamit silang gamit para magawa yun.. like may bed na na-iincline para makatayo si tara parang ganon.. hehe
Every now and then, I would get updates from friends about Tara's condition. And it amazes me every time. Miracles do happen.

When Tara was shot exactly three months ago, we were all shocked. It even seemed and felt surreal to me that she was shot on her birthday. My friends and I were discombobulated. Imagine colored powders settling at the bottom of a glass jar full of water, suddenly being shaken by strong hands. Powders float in the water, chaos, then everything went blur.

When I read the first message, I was in complete disbelief I still cannot describe. My palms felt cold, I froze. I froze for about 10 seconds. My heart pounded. My mind went blank but as if I was hearing a very faint white noise. Suddenly, a gunshot!

News and updates spread via SMS and blogs. People arranged visits, interviews, a few days after, fund raising events. I was only able to visit once. Personally, when I heard that a big group of people were visiting 24 hours a day, I worried. I worried about the stress that this could press on Tara's very week body. Also to Joee and their families. But this could also pass on strengths and

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur