Pages

Thursday, October 30, 2008

SVH from Hansel

I was looking for an email that Hasmin sent me a few days back. I clicked on the "to" field to search by sender. I stumbled upon a lonesome message from a certain "Hanz Cruz". I paused and figured, it's Hansel.

His message:

From: hanz cruz <***********_**@yahoo.com>
To: altum viditur; sirhancelot
Sent: Saturday, June 4, 2005 12:07:21 AM
Subject: svh


*colors are not inverted like this (ill convert the photos and post 'em again)

I never saw this before, sayang.

Sweet Valium High was my band. Hansel was the drummer.

Sya ang official driver ng banda. Sinamahan ko sya dati magbayad ng Meralco Bill sa Commonwealth, in his old car. Last day na pala yun ng pagsakay namin dun dahil kinabukasan, Hatchback na yung kotse nya. At hindi ko alam na nun palang nagbayad kame ng bill sa Commonwealth, at may dala siyang more that P150 K pambayad sa kotse.

Hans gave me a stainless steel guitar pick. Tinago ko talaga yun kase pede syang pendant! Kuya Boying (Blueberry Jam's owner) also gave me a pick - yellow naman. Atom Araullo also gave me a brown pick. A gay man from Sarah's who knew that I was in a band, asked me to choose between his yellow or green rubber picks. Hindi ko alam bakit gusto nya akong bigyan ng pick. But I still got the green one.

Sa wallet ko dati, andun lahat ng picks na binigay ng iba't ibang tao. Hindi ko alam bakit isa isang nawala yung mga picks ko. Nami-miss ko na din sila, lalo na yung pick na bigay ni Hansel. Nostalgia na naman. Hay.

Tuesday, October 28, 2008

Bala

Bigla nalang tumugtog ang "Bala" sa playlist ni Amrei. Sabi ko, bakit sya meron nun. Sabi nya, nahanap lang daw nya sa archived music nya. Yung music na yun ay galing sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko't nakikanta ako kay K. At kinuha ko pa ang gitara. Para namang naaalala ko pa yung chords. Parang nakuha ko naman nota sa chorus.

Nung isang gabi, kinakanta ng utak ko yung "Telenovela" sa linyang "Buhay ko ay isang Telenovela at ako'y inaapi ng isang senyorita..." Hindi ko naman naramdaman yung ganitong pagka-miss.

Pero ngayon na nadinig ko si K, ayan na. Hay.

Grabe, miss na miss na miss na miss na miss na miss ko na ang Lady Bedspacers. Hay :(

Nalungkot ako bigla. :(

Tinatawagan ko ng pansin si K, Dambo, Jimi at Ken. Sana mapanuod ko pa kayo ulit, kahit jam-jam lang. Inisip ko tuloy, eto yung isa sa mga bagay na mahirap ibalik at balikan. Parang hindi na ulit mangyayari. Nung college, dis-oras na ng gabi, magkakasama pa tayo. Kahit kayo lang ang nagja-jam at nanunuod lang ako o nakikigulo.

Wala akong pakialam noon sa mga malalaking banda. Pero madaming banda ang kailangan ko lang hintayin matapos ang set bago ako makauwi, kapag nasa tugtugan ako. Mga kaibigan kong banda. Halos lahat sila, wala na ngayon sa eksena.

Dati, isang gig lang, pero halos kumpleto ang barkada, paano, iba ibang banda pero iisang barkada. Yung mga gabi sa sarah's. Sa apartment namin. Sa UP. Sa Vinzon's hill. Sa Blueberry. Sa Fine Arts. Walang tulugan, pamorningan. Tayo tayo lang, hindi tayo nauubusan ng pag-uusapan. Kung maubos man, ok lang. Hindi nakakailang. May payapang katahimikan. Walang nagkakahiyaan.

Wala din tayong pakialam sa mundo non. Walang pakialam. Malalasing tayo, mag-iingay, magpapakasaya, magkakalat. Masasabog sa katatawa. Sa kakakanta. Masasabog. Basta, satin, nangyayari ang mga bagay kahit walang pinagmulan, walang dahilan. Basta lahat, masaya lang.

Dati, pag magkakasama tayo, hindi tayo tinatablan ng bala.

Nakaka miss talaga. :'(

Sunday, October 12, 2008

Trinorma

Ginawa namin lahat ng pedeng gawin sa mall. First time ko ito.

Nagkayayaan kame ng mga housemates na magpunta sa mall na para sa amin ay may pinakamagandang pangalan, ang Trinoma. Tawag namin dito ay Trinorma, or Trimonay. Ito ang binakla naming bansag sa kanya. Aliw yan, next to Ever.

Nagyaya ako dahil kailangan ko bumili ng regalo para kay Richette, ang una kong pamangkin. Magkabirthday sila ni Mommy, ngayong araw na to. Kabirthday din nila yung una kong inaanak na si Knight na di ko na nakikita. Kabirthday din Knight ang pinaka-matalik kong buddy sa Rep, si Jet. Tapos kabirthday naman ni Jet si Maica, orgmate ko sa Lunduyan ng Sining. Bale, lima sila.

Pagdating sa Trinoma, naghiwa-hiwalay muna kame para mag-ikot. Binilhan ko na ng regalo si Richette. Nine years old na pala siya, ang bilis ng panahon. Sabi ko kay Karla, magpamasahe kame tapos mag-Trinoma. Pero naisip naming manuod nalang ng Kulam. Isang oras at kalahati pa ang hihintayin namin. Nag "malling" nalang kame ulit. Dumaan kame sa Khumbu kaya binili ko na din yung matagal ko nang gustong bilhin - sling purse at bag cover para sa TNF backpack ko. Babalik kase akong Boracay sa 22, para sa event ng client. Trabaho. At medyo maulan sa Boracay, kailangan ko na talaga yung bag cover.

Nanuod kame ng Kulam. Nakakgulat, pero hindi nakakatakot. Nakakatawa din, old school at very Regal ang effects. Mantakin mo yung pagbukas ng libro, may sinag ng liwanag. Pinaghalo-halong "The Eye", "Shutter", "What Lies Beneath" at "Harry Potter". Pero sa kalumaan ng treatment, kalevel ng Regal Shocker at Shake Rattle and Roll. Pero syempre mas nakakatakot yung mga nauna. Hindi ko nga alam kung nakakatakot sila, o bata pa kase ako noon kaya yun ang naging batayan ng "maganda" sa mga nakakatakot na palabas. Matapos ang pelikula, ano pa nga ba e di pinag-usapan namin ang special effects, scoring, acting at editing ng pelikula. Aminado ako, nahihirapan na kameng maka-appreciate ng pelikula dahil minsan, napaka teknikal na namin sa mga detalye.

Lumabas kame para magyosi, tapos pumasok ulit para maglaro sa Time Zone. Tumatanda na kame. May pera na kameng pambayad ng mga ganitong laruan. Nakakangalay mag-basketball. Pero nakaka-relax.

Parang andami namin nagawa - lahat ng posibleng gawin sa isang mall - kumain, maglaro, mamili, manood ng sine. At oo, syempre, umihi din kame. Syempre may popcorn habang nanunuod. Syempre nag-"window shopping" din kame. Kaya madaming mall sa Pilipinas. Dahil isa ito ang pinakamurang paraan ng paglilibang.

Sapat namang sabihing nalibang kame. Sa Trinoma, Triangle North of Manila. Ang taray diba?

Wednesday, October 8, 2008

Peace, Love, RocknRoll

Wala nang kwenta yung mga pinagsusulat ko dito sa blog na ito. Dahil wala na din akong kwento.

Dati, bumabagsak lang sa tatlong kategorya ang sulat ko:

Peace - mga bagay na payapa para sa akin, mga nagbibigay ng peace of mind, mga bagay na kahit paano ay may social relevance.

Love - mga tungkol sa pag-ibig, sa tao at mga bagay na kabigha-bighani.

RocknRoll - mga gigs, performances, hosting. Tungkol sa musika, mga bagay na simple, pero rock.

Madalas nga akong magsulat ngayon, pero quantity lang, walang quality. Pwede din namang Ecoqua, sabi nga ni Kuya Bodjie, economy and quality. Pero hindi ko na din alam kung anong lagay ng ekonomiya o ang kalidad ng buhay. O kung ano mang may saysay.

Ngayon, hindi ko na maikategorya ang mga bagay. Dahil wala na akong kaalaman sa lipunan, pagmamahal at musika. Hindi na ako aktibo, nawala na ang panahon para mag-appreciate ng mga bagay na nakaka-inlab, at wala na akong na e-experience na rockstar moments. Wala na akong social relevance, pag ibig at musika. Sabi ko sa iyo, wala na akong kwento, wala na ding kwenta.

In Peace, Love and Rocknroll,

Tuesday, October 7, 2008

Napapansin Mo Ba?

Ang (ulap) ay pula, tumingala ka kaya, nang iyong makita...

Kanina, bandang alas-4 ng hapon sa opisina, nasilip ko na malakas ang hangin sa labas. Parang uulan. Binuksan ko ang mga blinds sa kwarto, dahil gustong gusto kong pinapanuod ang ulan. Gustong gusto kong maligo sa ulan, magtampisaw, mabasa sa ulan. Gustong gusto ko ang ulan, o ang panahon na umuulan.

Ngayon, pagtingin ko sa bintana, orange na yung ulap, lumaon nagiging pula. Sinabi ko pa nga sa mga kaopisina. Si Mark, may dalang camera, sabi nya, kukuhanan nya. Pero ang lumalabas sa LCD nya, grey na ulap. Sabi ko, optical illusion lang pala.

Dahil gusto ko ng pula. At ilusyon ko ang mga ulap.

Tumingala ka na. Nang iyong makita...

Monday, October 6, 2008

OH NO!

Nasira yung tagboard ko. And I don't know why :(

Sunday, October 5, 2008

Finish or not, pass your paper!

Yey, gawa na tong bagong layout ng blog ko. Hindi pa siya perfect pero pede na, kase ubos na yung weekend, at medyo nagsasawa nako intindihin yung HTML. Haha. Parang elementary lang. Kahit di ka pa tapos magsagot, pag ayaw mo na mag isip o ubos na ang oras mo, finish or not finish, pass your paper na. :)

Friday, October 3, 2008

Trial and Error

Sinusubukan kong baguhin ang itsura ng blog ko. Trial. Gusto ko itong maging kamukha ng multiply site ko. Kagabi, ok na yung itsura nito. pero hindi ako mapakali, ayan tuloy, halatang may mali. Error.

* UNDER RENOVATION*

Saturday, September 27, 2008

Relak

Halos dalawang linggo na puro trabaho o overtime. Magkaiba yun. Maaring nagtatrabaho ka kahit wala ka sa opisina, at maaaring nag o overtime ka pero hindi ka nagtatrabaho.

Kaninang umaga, bigla nalang ako natutulala. Parang gusto ko lang basta huminto. Sa paglalakad. Sa pag-iisip. Kailangan ko huminto. Wala din naman akong hinahabol. Wala ding pupuntahan. Hinto.

Nag-eenjoy ako sa trabaho ko, lalo na sa mga katrabaho ko. Para silang hindi napapagod. Hindi naman ako napapagod sa trabaho, napapagod ako sa puyat. Sa maling time management. Sa kawalan ng exercise. Sa kakulangan sa bitamina at pahinga. Nakakapagod. Eto na naman ako sa panahon na gusto ko pihitin ang buhay ko papunta sa kung san ko to talaga pumunta.

Wala akong problema sa trabaho, kaibigan, pamilya. Kung tutuusin, napakaswerte ko sa kanila. Ang problema ko ay disiplina. Simpleng go, glow and grow diet, hindi ko masunod. At pag tumunog ang alarm clock, pinapatay ko lang. Pag-uwi ko ng bahay, haharap na ako kay Potpot, hindi para magsulat, magbasa o matuto ng mga mas kapakipakinabang na bagay, pero para mag-internet. Kung sa bagay, parang pahinga na din yun. Pero hindi naman talaga yun ang kailangan ko. Kailangan ko, disiplina. Kung paano ko hahawakan ng mahusay ang oras ko. Kulang na kulang ako sa 24 oras sa dami ng gusto kong gawin.

Kanina, nagpunta kaming Tiendesitas. Bibili dapat ako ng damit ni Potpot. At isasabay na din ang regalo para kay Ate. Birthday na nya sa martes. Pero wala yung damit na kasya kay Potpot. Ako tuloy ang napabili ng damit. Dalawang blouse na "pang-meeting" (hindi kase pang-meeting ang mga normal kong damit dahil kung hindi ito hippie o dugyot, haute cotoure ito. haha.) Bumili din ako ng vest. Trip lang. Nakiki-fad. Bumili ako ng tatlong pantalon. Isang itim, isang checkered at (drum roll) isang maong! Maong!!! Medyo nagsisisi na ako ngayon. Maganda sya. Maaliwalas. Pero maong sya. Hindi ako maong. Pero sige na nga, ganun daw talaga pag tumatanda, minsan kailangan magkompromiso.

Bumili din ako ng relo at cute na cute na wallet. Binilhan ko din si Amrei ng lalagyan ng cellphone, at si Kalai ng purse na pusa. Nagtataka nga ako bakit may pera pa ako samantalang palapit na ulit ang sweldo. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Nakakawala talaga ng pagod gumastos, ano?

Parang pag pasko. Favorite part ko yung mamili ng panregalo. Yung nakakapagod. Tapos ibabalot. Ang sarap. Parang kanina, paikot ikot, hindi kumakain, hindi humihinto, patingin-tingin, gumagastos. Pero ok lang, paminsan minsan, masaya din ang ganito.

Isa pa pala, matapos ang ilang buwan, nakabili na ulit ako ng Sampaguita sa bata. Ang dami ng Sampaguita nya. Actually, Ilang Ilang sya. Puro. Walang halong Sampaguita. Sobra akong natuwa. Walong tali. Samantalang sa Timog area, tatlong tali lang, pareho pa ng halaga. Ang saya saya ko talaga gusto ko ngang bumili pa. Kaso naglakad na palayo yung bata.

Sulit naman yung pagod at puyat ng mga nakakaraang araw. Nabawi naman sya ng mga pangyayari nitong huling apat na oras. Simple, pero nakakarelak.

Monday, September 22, 2008

Pag gising mo

nandyan ako. sorry hindi ako nakakadalaw. pero lagi kita pinagdadasal.

learn. live. hippie. gypsy. 60's. mod. native. world. music. crafts. performing arts. theatre. visual arts. bands. djembe. culture. literature. travel. activism. nature. trees. beach. vegetarian. red. yellow. green. earth. water. fire.
peace. love. rock and
roll.

word • text • writing • statement • anecdote • yarn • literature • narrative • thoughts • article • chronicle • copy • entry • story • history • fiction • expression • declaration • legend • tale • rumor • humor • lies • truth
• altum viditur